Home ENTERTAINMENT Julia, may pinatamaan sa IG!

Julia, may pinatamaan sa IG!

Manila, Philippines- May pinatatamaan si Julia Montes na idinaan niya sa kanyang Instagram story at pa-blind-item ito.

Ito ay tungkol umano sa isang tao, na dati raw niyang tinulungan pero ngayon ay sinisiraan pa siya.

“Tinutulungan mo noon! Sinisiraan ka na ngayon! Saklap ‘di ba?” caption niya sa kanyang post.

Dagdag niya, “Oo ikaw alam mo kung sino ka [face with hand over mouth, face blowing a kiss emojis].”

Aniya pa, “Mga tao talaga [monkey covering face, zany face emojis].”

Well, sino kaya ang pinatatamaan ni Julia? Sino kaya ‘yung sinasabi niyang tinutulungan niya pero gayon ay nagsasalita pa ng laban sa kanya?

Tungkol pa rin kay Julia, may bago siyang serye sa ABS-CBN na Saving Grace. Kasama niya rito ang Megastar na si Sharon Cuneta, na una niyang nakatrabaho sa action-drama series na FPJ’s Ang Probinsiyano.

Bukod kina Julia at Sharon, kasama rin sa cast sina Sam Milby, Janice de Belen, Jennica Garcia, at Christian Bables.

Ito ang first time na magkakatrabaho at magkakasama sa serye sina Sharon at Janice na parehong nakarelasyon noon ni Gabby Concepcion.

Si Sharon ay naging asawa si Gabo. At si Janice naman, 14 years old pa lang siya nang maging boyfriend niya si Gabby, na kanyang first at puppy love.

Maging close kaya sina Sharon at Janice ngayong magkasama sila sa Saving Grace? Mapag-usapan kaya nila si Gabby? Rommel Placente