Home OPINION QUIBOLOY PARA SENADOR; ONLI IN DA PILIPINS

QUIBOLOY PARA SENADOR; ONLI IN DA PILIPINS

204
0

NOON bago pa man magpalabas ang iba’t ibang korte sa Pilipinas ng warrant of arrest laban kay Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo C. Quiboloy ay hindi napuputol ang suporta sa kanya ng kanyang mga tagasunod.

Si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong sex trafficking at child abuse sa magkaibang korte sa Pilipinas habang kinasuhan naman siya sa Estados Unidos ng mga kasong conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, sex trafficking of children at bulk cash smuggling.

Hanggang sa nagsagawa na ng raid ang Philippine National Police sa kanyang teritoryo sa Davao City na nasa 13 hektarya kaya naman umabot din sa 2,000 ang mga pulis na idineploy.

Noong September 8 ay sinasabing sumuko si Quiboloy upang matigil na ang karahasan bagaman sinasabi naman ng marami na sukol na ito ng tropa ng pulisya kung kaya sumuko. Ang pastor na nagsasabing siya ang “Appointed Son of God” ay nakapiit sa Philippine National Police Detention Facility sa Camp Crame sa Quezon City.

Maraming kasong kinakaharap na si Quiboloy subalit marami pa rin ang naniniwala sa kanya o sumusuporta sa kanya. Onli in da Pilipins, di ba?

Ang isang pang nakaiiling ay ang umano’y survey kung saan lumalabas na may mga naniniwala at handang sumuporta rito sa nakapiit na pastor.

Dahil sa suporta at paniniwala ng mga miyembro ng KOJC, naghain ng kandidatura itong si Quiboloy sa Commission on Elections sa pamamagitan ng kanyang abogado. A-8 ng Setyembre sumuko si Quiboloy at A-8 ng Oktubre siya naghain ng kandidatura. Naniniwala siguro siya na swerte ang 8. Again, only in da Pilipins.

Tama naman ang katwiran ni Comelec chairman George Garcia na hangga’t hindi napatutunayang nagkasala ay may karapatan si Quiboloy na kumandidato o maghain ng kandidatura bilang senador.

Kaya ang aabangan na lang ay ang darating na halalan. Kapag nanalo si Quiboloy bagaman hindi personal na nakapangampanya, aba’y talagang naloko na. Patunay ito na ang mga Pilipino ay madaling maloko. ONLI IN DA PILIPINS talaga!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here