Home METRO Engineering student patay sa fun run

Engineering student patay sa fun run

132
0

ILAGAN CITY, Isabela – Puno ng pighati at kalungkutan habang pinaglalamayan ng mga kamag-anak ang isang Electrical Engineering student sa Isabela State University-Ilagan Campus habang nakikilahok sa fun run ng unibersidad dito sa nasabing Lungsod.

Kinilala ang estudyante na si Timothy John Idago, 1st Year Student sa kursong Electrical Engineering at residente ng San Fermin, Cauayan City.

Ayon kay Engr. Alfonso “Cholo” Simon, Executive Officer ng ISU-Ilagan Campus, lumahok ang estudyante sa ginanap na fun run na bahagi ng kanilang Sports and Socio-Cultural Festival nang bigla itong bumagsak at mawalan ng malay.

Agad din binigyan ng first aid at Cardiopulmonary resuscitation o CPR ang estudyante ngunit binawian din ng buhay ang nasabing estudyante.

Isinailalim na rin sa counselling at psychological 1st aid ng kanilang Guidance Office ang mga classmates ng nasawing estudyante habang silay nagdadalamhati. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here