Home NATIONWIDE Misis nagpakamatay sa naisanlang motor ni mister

Misis nagpakamatay sa naisanlang motor ni mister

146
0

PAMPLONA, Cagayan – Dahil lamang sa naisanlang motorsiklo na dahilan para kitilin ng isang ginang ang kanyang sariling buhay dito sa nasabing bayan.

Maaaring torete na daw at lagi silang nag-aaway ng kanyang mister kaya’t napilitan na magpakamatay ang 36 anyos na biktimang si alyas Jane na residente ng nasabing bayan.

Ibinitin ni Jane ang sarili gamit ang tali sa pinaka puno ng anahaw malapit sa kanilang bahay. Lagi daw nagkakagirian si Jane at ang kanyang mister sa usapin ng naisanlang motorsiklo sa kanilang kapitbahay. Dito daw nagsimulang kasuklaman siya ng kanyang mister at lagi na lang itong naglalasing.

Bago nito, nagtangka na ring nagpakamatay si Jane bagaman napigilan siya ng kanyang anak na lalaki.

Samantala, may naunang dalawang magkasunod na insidente na rin ng pagpapakamatay sa bayan ng Solana at Peñablanca ngayong buwan ng Oktubre. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here