Home NATIONWIDE SSS may bagong OIC

SSS may bagong OIC

139
0

INANUNSYO ng Social Security System (SSS) ang pagkakatalaga kay Commissioner Robert Joseph De Claro bilang bagong Officer-in-charge ng nasabing ahensiya ng pamahalaan, epektibo Oktubre 11, kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni Rolando Ledesma Macasaet nito lamang unang bahagi ng buwan.

Ang desisyon ay ginawa ng Social Security Commission (SSC), ang policymaking body ng SSS.

Si De Claro ay nagsilbi sa SSC simula Enero 11, 2023 bilang kinatawan ng Employers’ Group, may bitbit na malakas na background para sa kanyang bagong papel.

Bilang komisyonado, naupo siya bilang chairman ng Information Technology at Collection and Contribution Committee at nagpartisipa sa mga mahahalagang komite sakop ang ‘audit, risk, investment, at governance.’

Si De Claro ay naging miyembro ng board of UnionBank at UnionBank Investment and Trust Corp., at miyembro ng bank’s Executive Committee ng bangko at Governance and Risk Committees simula 2023.

Ang kanyang karanasan sa financial at corporate sectors ay nakadagdag sa mahalagang pananaw ng kanyang liderato sa pension fund. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here