Home NATIONWIDE Digong, Sen. Go bumisita kay INC Executive Minister Manalo

Digong, Sen. Go bumisita kay INC Executive Minister Manalo

221
0

Nakipagpulong kamakailan si dating pangulong Rodrigo Duterte, kasama si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, kay Iglesia Ni Cristo (INC) Executive Minister Eduardo Manalo.

Sa larawang ipinost sa Facebook page ng senador, nakitang bumisita sina Duterte at Go kay Manalo sa Central Office ng INC noong Oktubre 10.

Binigyang-diin umano nina Duterte at Go kay Manalo, ang matibay na ugnayan ng INC sa mga Pilipino, gayundin ang dedikasyon ng simbahan sa paglilingkod sa bayan.

“Kapuri-puri ang malaking ambag ng INC sa panahon ng pandemya, maging sa pananalasa ng kalamidad tulad ng bagyo ay walang sawang nagbibigay ng tulong sa mga pangyayari,” saad sa post.

Bukod dito, binati rin ni Go ang pinuno ng INC para sa kanyang nalalapit na kaarawan sa Oktubre 31.

Hiniling niya na mahaba ang buhay ng pinuno ng simbahan upang patuloy niyang paglingkuran ang Diyos at ang mga Pilipino.

Sinabi ni Go na patuloy niyang isusulong ang kanyang layunin na maglingkod at makipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor para sa kapakanan ng mga Pilipino. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here