Home NATIONWIDE Barangay kagawad binitbit sa P20M droga

Barangay kagawad binitbit sa P20M droga

146
0

COTABATO CITY – Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang barangay kagawad at narekober ang tatlong kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20 milyon sa buy-bust operation sa Jolo, Sulu noong Huwebes, Oktubre 10.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region ang suspek na si Kaber Jailani Yusop, 46, konsehal ng Barangay Lakit, Panamao, Sulu. Nakuha rin sa suspek ang Honda motorcycle.

Ang kasama ni Yusop, na kinilalang si Weng Najar, ay nakaiwas sa pagkakaaresto.

Sinabi ni Castro na si Yusop ay isang big-time na drug trafficker na nag-ooperate sa Sulu at Zamboanga City.

Nasa kustodiya ng Jolo police station si Yusop at nahaharap sa kasong iligal na droga.

Isinagawa ng PDEA ang operasyon kasama ang mga pulis at National Intelligence Coordinating Agency bilang backup. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here