Home OPINION ‘HERCULEAN JOB’ NAKAATANG SA BALIKAT NI GEN TORRE

‘HERCULEAN JOB’ NAKAATANG SA BALIKAT NI GEN TORRE

104
0

SA kasalukuyang mga heneral ng Philippine National Police, si PMGen. Nicolas Torre lll ang sinasabing pinakamabango kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Kung ganoon man ang pagsasalarawan kay Torre, aba’y deserve naman ng “Mamang Pulis” ang pag-beybi sa kanya ni Pangulong Marcos dahil sa malaking ambag na accomplishment sa kasalukuyang pamahalaan.

Ang iba, lalo na ang mga inggit, ay marahil magtataas ng kilay dahil napabilib nga si BBM sa naging accomplishment ni Torre sa Kingdom of Jesus Christ compound standoff.

Naging balitaktakan pa ang patutsada ng mga opisyal ng KOJC na hindi  naaresto subalit sumuko ang kanilang lider na si Pastor Apollo Quiboloy sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines.

Pero ang punto ng Presidente, napilitang lumabas si Quiboloy sa kanyang pinagtataguan lungga sa KOJC dahil sukol na siya ni Torre at mga bitbit na libong bilang ng mga pulis.

Bilang ground commander sa misyong kunin si Quiboloy, hindi nagpasindak bagkus hinarap nang buong tapang  ang mga maiimpluwensyang kapanalig ng puganteng pastor.

Ang hindi pag-atras na lisanin ang KOJC compound sa kabila ng matinding ‘pressure’ mula sa  mga kaalyado at protectors  ni Quiboloy sa nakaraang pamahalaan at kasalukuyang gobyerno ang naging daan para sumuko ang nagpakilalang “appointed son of God”.

Kaya naman matapos mapasakamay ng pamahalaan ang ‘best friend’ ni ex-Pres. Digong Duterte ay naging ‘instant celebrity’ ang heneral mula sa Mindanao.

Hindi man sinabi ni PNP chief PGen Rommel Marbil ang dahilan nang biglaang appointment sa Criminal Investigation and Detection Group ay malinaw na premyo ito ni Torre sa matagumpay niyang operasyon sa KOJC lider.

Ang CIDG kung ituring ay “juicy position” na pinag-aagawang maging assignment pero ang kaakibat ay “Herculean responsibility” para sa itinalagang hepe nito.

Gaya halimbawa kay Torre. Iniupo ito sa CIDG para magtrabaho, hanapin at bigyang solusyon ang malalaki at ‘sensational’ na kaso kaya nga mabigat ang kanyang responsibilidad.

Matindi ang ‘marching order’ kay Torre kaya “Herculean Job” at Herculean responsibility ang nakaatang sa balikat nitong produkto ng PNP Academy Tagapaglunsad Class ’93.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here