Home NATIONWIDE 37 Pinoy magbabalik-Pinas mula Lebanon ngayong Lunes – PCO

37 Pinoy magbabalik-Pinas mula Lebanon ngayong Lunes – PCO

139
0

MANILA, Philippines- Nasa 37 overseas Filipino workers (OFWs) ang darating ngayong araw, Oktubre 14 sa Pilipinas mula Lebanon matapos ang serye ng Israeli airstrikes na naging dahilan ng malawakang pagkawasak sa katimugang bahagi ng nasabing bansa.

Ito ang dahilan para ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na gamitin ang lahat ng resources para alisin ang mga Pilipino mula sa panganib.

Nauna rito, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na may 37 Filipino ang aalis ng Beirut sa kaparehong araw na darating ang mga ito sa Pilipinas.

“Additionally, 37 more Filipinos are scheduled to depart from Beirut today, bound for Istanbul with the assistance of the Canadian government,” ang kalatas ng PCO na nakapost sa Facebook page nito.

“They are expected to arrive in Manila by Monday evening. The government continues to work tirelessly to bring more Filipinos home, ensuring their safety amidst the ongoing situation in the region,” dagdag na wika ng PCO.

Sa ulat, personal na nakita ni Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat ang pag-alis ng mga ito sa Beirut airport, habang sinalubong naman sila ni Ambassador Henry Bensurto at Philippine Consulate officials sa kanilang pagdating sa Istanbul.

Ayon sa PCO, may kabuuang 442 OFWs at 28 dependents ang pinauwi mula Lebanon hanggang noong Oktubre 12.

Kabilang sa naturang bilang ay ang siyam na Pinoy na dumating sa Pilipinas, araw ng Linggo.

Ang pinakabagong mga pagdating ng OFWs ay sa gitna ng nagpapatuloy na alitan sa pagitan ng Iran-backed at Lebanon-based Hezbollah at Israel, dahilan para itaas ng Pilipinas ang Alert Level 3 sa Lebanon noong October 2023.

Sa hilaway na kalatas, sinabi ng PCO na may 571 Pilipino ang nagpahayag ng kanilang kahandaan na umuwi ng Pilipinas. Sa nasabing bilang 221ang handa nang umuwi habang 350 naman ng pinoproseso ng Lebanese immigration.

“So, patuloy lang ang ating effort. Of course, we are still considering the option of chartering by air or by sea but we will leave the details muna,” ang sinabi naman ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac.

“We’re still undertaking the preparations and we’re leaving the details for that matter or for a future announcement,” dagdag ng kalihim.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang paglilikas sa mga Pinoy mula Lebanon “by whatever means” habang inaasahan naman ng gobyerno ang iigting pa ang karahasan sa bansa.

Gayunman, hindi naman naging malinaw kung ito’y nangangahulugan na pagtaas ng Alert Level sa Alert Level 4 o mandatory repatriation.

Samantala, may 11,000 Pilipino sa Lebanon, karamihan ay nasa Beirut, na mayor ay nagtatrabaho bilang domestic workers. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here