Home NATIONWIDE Bagong Pilipinas Serbisyo Fair umarangkada

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair umarangkada

139
0

MANILA, Philippines- Sinimulan na ng pamahalaan nitong Linggo ang two-day fair na naglalayong tulungan ang mga miyembro ng creative industries ng bansa.

May temang “Paglinang sa Industriya ng Paglikha” (Cultivation in the Creative Industry), gugulong ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair hanggang Oktubre 14 sa PhilSports Arena sa Pasig.

Kalahok sa nasabing event ang 23 government agencies na nag-aalok ng 100 programa, naglalayong gawing mas “accessible” ang public services—kabilang ang cash assistance programs at industry-specific intiatives—para sa mga indibidwal na nagtatrabaho sa creative sectors, tulad ng pelikula, telebisyon, at radyo.

Isa sa mga tampok dito ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P75 milyon sa pamamagitan ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) nito sa 15,000 benepisyaryo.

Bukod sa cash aid, makatatanggap din ang mga benepisyaryo ng tig-limang kilo ng bigas, na may kabuuang 75,000 kilo na ipamamahagi sa loob ng dalawang araw. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here