Home NATIONWIDE Saksi sa POGO sex video live-selling makapagsasabi ng ugnayan nina Alice Guo,...

Saksi sa POGO sex video live-selling makapagsasabi ng ugnayan nina Alice Guo, Lin Xunhan

216
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na maaaring makapagpatatag ng ugnayan sa pagitan nina POGO big boss Lin Xunhan at sinibak na Bamban, Tarlac mayor Alice Guo ang sinabi ng isang testigo na nasaksihan nila ang live-selling ng sex videos na ginawa sa POGO hub sa Porac, Pampanga.

Sa isang ulat, naging emosyonal ang testigo habang ibinabahagi niya ang kanyang naobserbahan.

“Naalala ko lang po lahat. Kasi isa po talaga ako mismo nung sa nakakita. Naiiyak ako,” ayon sa testigo.

“Nagkaroon na po doon kasi ng live-selling video. Bine-video po niya para yun po ang pinapa-bidding po nila doon sa mga foreign, sa mga iba-ibang country po,” ang sinabi pa nito.

Dahil dito, sinabi ng PAOCC na mapatutunayan ng testigo ang koneksyon sa pagitan nina Guo at Lin.

Si Lin Xunhan, kilala rin bilang Lyu Dong o Boss Boga, ay tinatawag na godfather o “Boss of all bosses” ng mga POGO, nagsimula ng kanyang operasyon sa Pilipinas.

Sa kabilang dako, si Guo naman ayon sa PAOCC ay tinatawag na “Madam Hua,” nagre-report kay Lin Xunhan.

“Nag-aabot po si Boss Boga ng pera kay Madam Hua. And pag kasi may pinakapondo po sila sa may money po nila,” ang sinabi pa ng testigo.

“Important yung statement niya tsaka yung knowledge niya about the operation,” ang sinabi naman ni PAOCC executive director Gilbert Cruz.

Inaresto si Lin Xunhan, araw ng Martes sa ilalim ng mission order mula sa Bureau of Immigration.

Kabilang siya sa umano’y 12 Chinese officers ng illegal POGO operations.

“Chine-check din natin yung background nung 12 na yun baka may kaso sila sa China. Ang nakikita namin, mga nasa managerial side na sila. Parang isang grupo sila eh. Magkakabarkada na sila nitong si Lyu Dong,” ang sinabi ni Cruz.

Tinatrabaho naman ngayon ng mga awtoridad ang deportation proceedings ng 12 Chinese citizens dahil itinuturing na ang mga ito bilang undesirable aliens.

Sinabi naman ni Lin Xunhan na ang kanyang negosyo ay restaurant.

“He saw the news that the Philippines is dangerous so he hired bodyguards to protect his family,” ang tinuran naman ng interpreter ni Lin Xunhan. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here