Home NATIONWIDE Shear line iiral sa Extreme Northern Luzon

Shear line iiral sa Extreme Northern Luzon

150
0

MANILA, Philippines- Magdudulot ng pag-ulan ang shear line na nakaaapekto sa Extreme Northern Luzon ngayong Lunes, base sa PAGASA.

Inaasahan din sa Batanes ang maulap na kalangitan bukod sa kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Samantala, nakaaapekto ang easterlies sa eastern sections ng Luzon at Visayas.

Nakaamba sa Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon ang maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa easterlies.

Makararanas naman ang Metro Manila, natitirang bahagi ng Luzon, ay Eastern Visayas ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil pa rin sa easterlies.

Iiral sa natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging slight to moderate sa buong bansa.

Sumikat ang araw ng alas-5:47 ng umaga at lulubog ng alas-5:37 ng hapon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here