Home METRO 4 kinasuhan ng murder sa pagpaslang sa Bulacan provincial exec, driver

4 kinasuhan ng murder sa pagpaslang sa Bulacan provincial exec, driver

159
0

MANILA, Philippines- Nahaharap ang apat na suspek, kabilang ang isang pulis, sa double murder complaint sa pagpatay kay Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan board member Ramilito Capistrano at kanyang driver na si Shedrick Toribio, base sa Police Regional Office 3 (PRO3) nitong Martes.

Kinilala ang mga suspek na sina Police Staff Sergeant Ulysses Hernani Castro Pascual at kanyang pinsang si Cesar Mayoralgo Gallardo Jr. at mga kasabwat na sina “Jeff” at “Lupin.”

Inihan ang reklamo sa Prosecutor’s Office ng Malolos City.

Noong Oktubre 3, nasa loob ng sasakyan sina Capistrano, pinuno rin ng Association of Barangay Captains sa Bulacan, at Toribio nang pagbabarilin sila ng mga suspek sa Malolos City.

Nahaharap din ang mga suspek sa attempted murder charges dahil nakatakas ang dalawa pang biktima sa ambush, base sa Bulacan Provincial Police Office.

Ipinag-utos ni Bulacan Governor Daniel Fernando sa provincial police na magsagawa ng masusing imbestigasyon at inanunsyo ang P500,000 pabuya para sa anumang impormasyong magreresulta sa ikadarakip ng mga suspek.

Iniugnay naman ni PRO3 chief Police Brigadier General Redrico Maranan ang pagkakatukoy sa mga suspek sa paglikha ng Special Investigation Task Group Capistrano.

“We remain dedicated to bringing all the perpetrators to justice, leaving no stone unturned in our pursuit,” dagdag ni Maranan.

“We seek the public’s cooperation in providing any information that may aid in their capture. We encourage anyone with relevant details to come forward to help us close this case completely,” ayon naman kay Bulacan Provincial Police Office chief Police Colonel Satur Ediong. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here