Home ENTERTAINMENT Maki, muntik nang mag-quit!

Maki, muntik nang mag-quit!

195
0

Manila, Philippines- Marami ring bumps na pinagdaanan ang magaling na singer na si Maki bago pa man napansin ang kanyang talent.

Katunayan, bago pa man siya nakilala bilang alternative pop superstar, ang dami niyang rejections na naranasan.

Pagbabahagi niya, sumali raw siya noon sa iba’t-ibang singing competitions tulad ng “The Voice” at iba pa, pero lagi siyang nare-reject.

May isa pa nga raw audition noon na sobra siyang na-discouraged, ayon sa isang panayam.

Feeling daw niya ay sobrang na-disrespect ang kanyang talent to the point na natanong niya sa sarili kung may puwang pa siya sa music industry.

Kahit noong nasa high school pa raw siya ay nagkaroon na siya ng agam-agam na ituloy ang kanyang pangarap.

Naisip pa raw niya noon na marahil, hindi talaga para sa kanya ang pagkanta.

May mga tao raw kasing nagparamdam sa kanya na kulang ang talento niya anuman ang kanyang gawin.

Gayunpaman, na-realize niya ang kahalagahan ng pagpupursige kaya hindi niya hinayaang kontrolin ang buhay niya ng mga taong nagdo-down sa kanya.

Hiniling daw niya noon sa Diyos na sana bigyan siya kahit isang pagkakataon.

Noon daw namang nabigyan na siya ng break at makapag-record sa Tarsier Records, hindi raw naman pumik-up ang kanyang mga awitin.

Wala raw kasi noong pumapansin sa kanyang musika.

Hanggang sa dumating daw ang massive hit niyang “Saan” na kanyang sinulat na nakahamig ng 80 million streams sa Spotify.

Ang follow-up single naman niyang “Dilaw”kasama ang BINI member na si Maloi ay gumawa ng kasaysayan nang mag-number one sa Spotify Philippines Top 50 songs chart.

Hirit pa niya, napagtanto raw niya na may naghihintay palang gantimpala sa mga taong naghihintay, nagsisikap at hindi sinukuan ang kanilang pangarap. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here