Bulacan – Kalunos-lunos ang sinapit ng 14-anyos na babae matapos gahasain nang paulit-ulit sa loob ng tatlong taong ng kanyang ama sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ng pulisya ang biktimang itago sa pangalang Kitty habang ang suspek ay si alyas ESM, 46, biological father, kapwa residente ng Brgy. Gaya Gaya.
Sa report ng SJDM police station, naganap ang huling insidente bandang alas-7:30 ng umaga nitong Oktubre 12 sa Brgy. Gaya Gaya.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naalimpungatan ang biktima nang maramdaman na may lumalamas sa kanyang maseselang parte ng katawan at tuluyang gahasain.
Dahil dito, hindi na kinaya ng biktima ang paulit-ulit na kababuyang ginagawa ng suspek kaya naglakas-loob na isumbong ito sa kanyang kaanak at mga awtoridad.
Inamin ng biktima sa mga awtoridad na simula taong 2021 hanggang Oktubre 9, 2024 ay paulit-ulit siyang ginagahasa ng suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A 11648 (Statutory Rape). Dick Mirasol III