ZAMBALES- Mahigit P14.62 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nalambat ng mangingisda matapos nagpalutang-lutang sa karagatang sakop ng Zambales at Bataan.
Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Zambales, bandang alas-5 ng hapon, walong mangingisda mula sa Barangay Matain, Zambales ang nakakita sa dalawang plastic bag na naglalaman ng 1,800 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P12.24 milyon.
Makalipas ang ilang oras, isang mangingisda naman sa Barangay Camaya Mariveles, Bataan, ang nakadiskubre ng plastic bag na naglalaman ng 350 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.38 milyon.
Dinala naman sa tanggapan ng PDEA Zambales at Bataan ang mga narekober na shabu at nakatakdang iturn-over sa PDEA national headquarters para sa imbestigasyon at matunton ang may-ari ng naturang mga shabu para managot. Mary Anne Sapico