Home METRO Most wanted sa Caraga arestado

Most wanted sa Caraga arestado

177
0

BUTUAN CITY- Arestado ang 3rd most wanted sa rehiyon ng Caraga na sangkot sa kasong pagpatay sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad, iniulat kaninang umaga sa bayan ng Lianga.

Sa ipinadalang report sa tanggapan nina Police Regional Office-13 Director Police Brig. Gen. Alan M. Nazarro at Surigao del Sur Police Provincial Office Director Police Col. Harry B. Domingo ang suspek ay kinilala sa alyas Doy, 46, ng Barangay Diatagon, Lianga.

Nadakip ng mga tauhan ng Lianga Municipal Police Station ang suspek noong Oktubre 10, 2024 sa naturang lugar sa bisa ng warrant of arrest sa mga kasong murder, attempted murder, at paglabag sa RA 10591, 9516, and 9165 na ipinalabas ng 11th Judicial RTC Branch 28 ng Lianga.

Nakuha din sa suspek ang granada na burado ang serial number.

Nasa kustodiya ngayon ng Lianga Municipal Police Station para sa tamang disposisyon at dokumentasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here