MANILA, Philippines – NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division 4A ,Regional Special Operatios Unit4A at Calatagan Municipal Police Station ang 142 boxes na smuggled na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P2.212 milyon, kahapon (Oktubre 16, 2024 ) sa Barangay Biga Calatagan, Batangas.
Ang naarestong suspek na pansamantalang nasa kustodiya ng Calatagan Municipal Police Station kung saan nahaharap sa kasong Section 144 ,262 at 263 of RA 8424 or the National Internal Revenue Code na nakilala sa alyas Alwin 48, residente ng nabanggit na lalawigan.
Batay sa report na dumating sa tanggapan ni PBGen. Paul Kenneth T. Lucas Regional Director ng PRO4 Calabarzon dakong alas- 2:30 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation sa pamamagitan ng nagpanggap na posuer buyer na humantong sa pagkaaresto sa suspek at pagkumpiska sa 142 boxes na puslit na sigarilyo.
“This serves as a reminder that today’s victory against smuggling is vital. We will relentlessly pursue those who undermine our laws and exploit our communities. Our police force will continue to fulfill its duties and ensure that criminals face the full weight of the law,” ani Lucas. Ellen Apostol