Home METRO Kelot utas sa dangling live wire

Kelot utas sa dangling live wire

122
0

ILOCOS SUR- Tigok ang isang construction worker matapos nitong masagi ang nakabiting high-voltage electrical wire na nakakabit sa poste ng ISECO sa loob ng compound ng Archdiocese of Nueva Segovia sa Brgy. 1, Vigan City ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng Vigan City Police Station ang biktima na si Daniel Toquero Ramos, 29, walang asawa, residente ng Brgy. Calongbuyan, Candon City, Ilocos Sur.

Ayon sa isang kasamahan sa trabaho ng biktima, pareho silang nagtratrabaho sa bubongng ongoing construction na parking area ng Archdiocese of Nueva Segovia.

Nakaupo  umano ang biktima  habang nagtatrabaho gamit ang drilling machine.

Nang tumayo ang biktima ay nasagi ng noo nito ang nakabitin na kawad ng kuryente at agad siyang nangisay.

Mabilis na isinugod sa Metro Vigan Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here