Home ENTERTAINMENT Rayver, pinagpahinga si Julie Ann sa socmed!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Rayver, pinagpahinga si Julie Ann sa socmed!October 19, 2024 12:451360 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Ideally, it’s the romantic partner who always parries the attacks directed at his or her significant other.Sa madaling salita, tagasalag o shock absorber.Pero iba ang nangyari sa kaso ni Rayver Cruz.Ni wala nga siyang oral na depensang ginawa para sa nobyang si Julie Ann San Jose.Basta ini-screen shot lang niya sa kanyang Instagram account ang statement ng parish priest ng Nuestra SeƱora del Pilar Shrine.Hayun, katakutakot na ang ginawang pamba-bash kay Rayver.Damay pati ang kapatid nitong si Rodjun who openly came to Julie Ann’s rescue.Ang isyu’y bunsod ng naging performance ni Julie Ann sa nasabing simbahan where she sang Dancing Queen sa harap ng altar nito.Maging ang suot nitong gown na may mataas na slit ay napagdiskitahan din.In fairness, humingi na ng paumanhin ang binansagang Limitless Star.Despite her apology, bashers out there wouldn’t stop.Si Rayver na mismo ang nakaisip ng solusyon.It was he who told his girlfriend to stay away from social media–pansamantala lang.‘Yun ay para makaiwas na rin si Julie Ann na maapektuhan sa mga hate comments ng ibang netizens.Kaya kung napapansin n’yo, hindi muna active nang ilang araw si Julie Ann sa soc-med.Peace of mind–this is what she needs. Ronnie Carrasco III