Home METRO P2.9M marijuana winasak sa Benguet

P2.9M marijuana winasak sa Benguet

154
0

LA UNION- Nagkakahalaga ng P2,988,700 ang mga marijuana plant na winasak ng mga awtoridad mula sa limang taniman ng marijuana na nadiskubre nila sa Brgy. Badeo, Kibungan, Benguet.

Nagsasagawa ng dalawang araw (Oktubre 16-17) na marijuana eradication operation sa naturang lugar ang mga pinagsanib na tropa mula PDEA RO1-La Union Provincial Office (PDEA RO1-LUPO), PDEA CAR Ifugao Provincial Office (PDEA CAR-IPO) at La Union Police Provincial Office-1st La Union Provincial Mobile Force Company (LUPPO-1st LUPMFC) nang madiskubre nila ang mga nakatanim na marijuana.

Agad na pinagbubunot at saka sinunog ng mga awtoridad ang naturang marijuana plants.

Ayon kay PDEA RO1 Regional Director, Director III Joel B. Plaza, nasa 11,200 na fully grown marijuana plants at 28,700 na marijuana seedlings ang winasak ng grupo mula sa mga naturang taniman ng marijuana. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here