Home METRO Gov. Lagman sinuspinde ng Ombudsman

Gov. Lagman sinuspinde ng Ombudsman

ALBAY- Naglabas ng kautusang preventive suspension ang tanggapan ng Ombudsman sa gobernador ng Albay dahil sa pagkakadawit umano sa pangalan nito sa jueteng.

Sa Facebook page ni Albay Governor Edcel Grex Lagman, inaasahan na umano niya ang nasabing kautusan lalo na ngayong nalalapit na lokal eleksyon sa susunod na taon.

“Good morning, dear department heads, assistant department heads, heads of offices: The event I was expecting has come to pass. I have received my preventive suspension order from the Ombudsman today. Therefore, Vice Governor Glenda Ong-Bongao has to assume as Acting Governor at the soonest possible time,” pahayag ng gobernador.

“All the good work that you have been doing will not be affected since my preventive suspension is personal to me. I will have a meeting with Vice Governor Glenda as soon as possible to make sure she is briefed accordingly,” dagdag pa nito.

Tiniyak naman ni Lagman na ilalaban niya ang kaso at mananaig pa rin umano ang kabutihan kaysa kasamaan. Mary Anne Sapico