Home NATIONWIDE Senate probe vs Duterte drug war pangungunahan ng Blue Ribbon – Escudero

Senate probe vs Duterte drug war pangungunahan ng Blue Ribbon – Escudero

170
0

MANILA, Philippines- Hindi pa naman pinal pero patungo sa Senate Blue Ribbon ang pananaw na mag-iimbestiga sa war on drugs ng nakaraang administrasyong Duterte sa halip na buuin ang Senate committee of the Whole, ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Naunang iminungkahi ni Senador Risa Hontiveros na buuin ng Senado ang Committee of the Whole na pangungunahan ni Escudero upang paimbestigahan ang war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tablado kay Hontiveros at Escudero ang ideya ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na magsasagawa ito ng sariling imbestigasyon, motu propio, sa war on drugs na kanyang pinangunahan bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Sa panayam, sinabi ni Escudero na natatangi ang Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Senador Pia Hontiveros ang komite na maaaring magsagawa ng motu propio na imbestigasyon dahil naka-recess ang Kongreso.

“Hindi pa naman pinal, ang direksyon ay parang Blue Ribbon Committee ang mag-motu proprio investigation habang recess. Pero kung magre-resume, malamang ang Committee on Justice ang maghe-hearing,” paliwanag ng lider ng Senado.

Pawang hepe ng Senate committee on justice si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III.

Sa message sa reporters, sinabi ni Pimentel na kanyang tinitiyak na nakahanda siyang hawakan ang panukalang imbestigasyon kapag ibinigay sa kanyang komite.

“I will have to handle it like the professional that I am,” aniya.

Inihayag din ng lider ng Senado na nakatakdang konsultahin nito ang kasamahan sa ideya ni Hontiveros na bumuo ng Committee of the Whole na mag-iimbestiga sa Duterte drug war.

Ayon kay Hontiveros, bibigyan ng parehas na karapatan ang bawat senador sa imbestigasyon kabilang ang pagdalo ng victim-survivors upang lumahok at tumestigo sa pagdinig. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here