Home METRO 8 arestado sa ‘drug den’ sa U-belt

8 arestado sa ‘drug den’ sa U-belt

136
0

MANILA, Phlippines- Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang bahay sa Maynila sa bisa ng search warrant kung saan walo ang naaresto.

Ayon sa NBI, nakatanggap ang ahensya ng impormasyon na may mga lalaking labas-pasok sa naturang bahay sa San Miguel na ginawang drug den.

Sinabi ni NBI DDD Chief, Atty. Jonathan Ross Galicia, nakaaalarma dahil ito ay nasa University Belt kung saan maraming estudyante at nagrereklamong mga residente.

Narekober sa lugar ang siyam na sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia.

Babala ng NBI, bagama’t wala na ang kampanyang war on drugs, hindi ibig sabihin na natutulog ang mga law enforcement agency sa mga may kinalaman sa ilegal na droga. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here