Home HOME BANNER STORY Tirada ni VP Sara kay PBBM pinuna ng mga solon

Tirada ni VP Sara kay PBBM pinuna ng mga solon

180
0

MANILA, Philippines – Nagkami ng sari-saring reaksyon mula sa mga mambabatas ang pahayag ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na running mate nito sa 2022 elections.

Sa harap ng mga mamamahayag nitong Biyernes, Oktubre 18, binatikos ni Duterte ang liderato ni Marcos at sinabing tila walang ideya ang Pangulo kung paano maging maayos na presidente lalo na sa pagtugon sa gutom at inflation.

Matatandaan na nagbitiw sa pwesto si Duterte bilang education secretary noong Hulyo.

Aniya, ngayon niya lamang napagtanto na nagkaroon siya ng “toxic relationship” kay Marcos.

Naniniwala rin umano siya na ginamit lamang ito ng Pangulo para manalo laban kay dating Vice President Leni Robredo na tumakbo rin sa pagka-Pangulo sa nagdaang halalan.

Sa mga ganitong uri ng tirada, tinawag ni Senate President Francis Escudero ang mga pahayag ni Duterte na “unbecoming of the country’s second highest elected official.”

“Unbecoming para sa akin yung mga ganyang uri ng pahayag, lalo na sa pangalawang pinakamataas na opisyal ng ating bansa, at para patulan ko pa at ng iba pa, baka mas binibigyan pa natin ang kahalagahan… Siguro hayaan na lamang natin na maglabas ng sama ng loob si Vice President Duterte,” sinabi ni Escudero sa panayam sa radyo nitong Sabado, Oktubre 19.

Umaasa si Escudero na sisikapin pa rin ni Duterte na mag-ingat sa mga bibitawan niyang salita sa publiko.

“Sana maging mas mapanuri at sana maging mas maingat sa mga salita ang bibitiwan. Bahagi marahil ang paglalabas ng sama ng loob sa buhay ng tao, pero hindi siguro rason at lisensya din yun na buksan ang mga paggamit ng salita na napapakinggan bata ba o matanda,” aniya.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na nasa tao na kung paano nila huhusgahan ang mga sinabi ni Duterte, “but at least the vice president was truthful enough and honest enough to say something about her sentiments.”

“Hindi siya plastic na tao. Kilala natin ‘yan, na prangka na tao ‘yan.”

“You get what you say; you get what you see; you see what you get. Ganon ‘yan mga Duterte (The Dutertes are like that),” sinabi pa ni Dela Rosa.

Samantala, sa isang pahayag ay sinabi ni House Deputy Majority Leader Jude Acidre na si Duterte “continues to engage in politicking at a time when the nation demands unity and decisive action.”

Ani Acidre, sinubukan ni Duterte na iwaksi ang mga isyung laban sa kanya, lalo na sa pamamahala ng pondo ng publiko bilang “mere political attacks.”

“Such an approach only exacerbates the divisions in our country, undermining the stability we desperately need for national development and progress,” dagdag niya.

Sinabi naman ni House Assistant Majority Leader Mika Suansing, kay Duterte “to instead focus on working with all of us for the welfare of the Filipino people.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here