Home NATIONWIDE Bacolod-Manila flight naudlot sa ‘watusi’

Bacolod-Manila flight naudlot sa ‘watusi’

124
0

MANILA, Philippines – Nabulabog ang flight patungong Manila mula sa Bacolod-Silay Airport matapos mag-usap ang dalawang pasahero patungkol sa “watusi.”

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nangyari ang insidente 11:10 ng umaga nitong Sabado, Oktubre 19 sa loob ng Cebu Pacific Flight 5J486.

Sa ulat, narinig ng cabin crew member ang usapan ng dalawang pasahero na nagbanggit ng salitang “watusi” o isang uri ng paputok.

“Oi, naubos na ba ‘yong watusi mo?”

Nilinaw naman ng pasahero na ang watusi na tinutukoy nila ay ang condom na salitang gamit ng LGBTQ community.

Agad na iniulat ng cabin crew ang insidente sa pilot-in-command, na kalaunan ay iniulat din sa pamunuan ng Cebu Pacific.

“As a precaution, the airline made the decision to deplane all passengers and cargo for a K9 bomb-sniffing inspection and security paneling,” ayon sa CAAP.

Nagsagawa ng mahigpit na inspeksyon sa lahat ng mga luggage, hand-carry items at aircraft cabin.

Bandang ala-1 ng hapon, pinayagan nang makabiyahe patungo sa Manila ang Cebu Pacific Flight 5J486.

Tinulungan naman ang dalawang pasahero na makapag-rebook ng kanilang flight. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here