MANILA, Philippines – Bumiyahe na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Jakarta, Indonesia nitong Sabado ng hapon, Oktubre 19 para dumalo sa inagurasyon ni President-elect Prabowo Subianto ngayong araw ng Linggo.
Kasama ni Marcos si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos, na nakatanggap ng imbitasyon mula kay outgoing Indonesian President Joko Widodo, ang ama ni Vice President-elect Gibran Rakabuming Raka.
“The President’s attendance [at] the inauguration also signifies the Philippines’ sincere commitment to further expand and deepen bilateral relations,” saad sa pahayag ng Presidential Communications Office.
Ang biyahe ni Marcos patungong Indonesia ay mahigit isang linggo lamang matapos ang pagdalo naman ng Pangulo sa 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits sa Lao PDR. RNT/JGC