MANILA, Philippines – Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Linggo, Oktubre 20 ang low pressure area (LPA), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Sa weather forecast, sinabi na ang LPA ay may posibilidad na maging isang bagyo.
“Maglalandfall any part of sa may Luzon. Kaya asahan po natin next week na makakaranas ang Luzon, kabuuan ng Visayas at ilang parte ng Mindanao ng mga pag-ulan dahil sa paglapit po nitong bagyong ating paparating,” anang PAGASA.
Dagdag pa, mayroong dalawang weather system ang namonitor ng weather satellite. Una ay ang LPA na namataan 1,495 kilometro silangan ng Southern Luzon, at ang Intertropical Convergence Zone na magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Bangsamoro region, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, General Santos), Davao Occidental, at Palawan.
Sa kabila ng LPA, mananatiling maayos ng panahon sa malaking bahagi ng Luzon ngayong araw. RNT/JGC