Home HOME BANNER STORY Dinukot na Amerikano sa Zamboanga nakatanggap ng banta sa mga vlog

Dinukot na Amerikano sa Zamboanga nakatanggap ng banta sa mga vlog

153
0

MANILA, Philippines – Tinalakay ng dinukot na Amerikanong si Elliot Eastman ang mga posibleng banta na natanggap nito sa kanyang mga nagdaang vlog, bago pa tuluyang dukutin sa Zamboanga del Norte.

“I’ve been staying in this area for so long to the point where people don’t really like me anymore. They want bad things to happen to me now… People come here to tell my family that there’s people that want to kidnap me, or they’re threatening to kidnap me,” sinabi ni Eastman sa isa sa kanyang mga video.

“I don’t really know what would happen if somebody did come here and try to kidnap me. Would the neighbors help me or would they just sit there and watch? Even last night, I’m scared a little bit,” dagdag pa niya.

Noong Oktubre 17, o sa araw ng insidente, nagawa pang makapagsagawa ni Eastman ng siyam na livestreams.

Ayon sa Philippine National Police Office sa Region 9, sinabi na isasama nila ang mga livestream ni Eastman at ang pahayag ng asawa nito sa imbestigasyon.

Mayroon nang person of interest ang pulisya sa insidente.

“Ongoing profiling on this person of interest po. Ongoing pa po ang investigations natin dito… Lumalabas lang na sa report na four armed men na dumukot sa kanya ay nagsabi is police operation on drugs, pero based sa record natin, wala po tayong naka-record na merong legitimate operation ang any force of the government against this victim. Wala din po siyang record sa atin when it comes to drugs,” saad sa pahayag ni PNP – PRO9 Spokesperson Police Lieutenant Colonel Helen Galvez.

Ginalugad naman ng joint Sub-Task Group ng PNP at Philippine Army ang lugar kung saan umano posibleng dinala ang dinukot na Amerikano.

Samantala, naghihintay pa ang pamilya ni Eastman ng tawag mula sa U.S. Embassy kaugnay sa kondisyon nito, matapos dukutin ng mga armadong kalalakihan sa
Barangay Sibuco nitong Huwebes ng gabi.

“No one has reached out to me. I called the U.S. Embassy with no luck!! We are all praying,” sayon sa asawa ng dinukot na Amerikano.

Si Eastman, na mula sa Hinesburg, Vermont, ay naninirahan sa Zamboanga del Norte sa loob ng halos isang taon na.

Wala pang pahayag ang U.S. State Department kaugnay sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here