Home METRO 3 estudyante patay sa kidlat

3 estudyante patay sa kidlat

141
0

MANILA, Philippines – Patay matapos tamaan ng kidlat ang tatlong estudyante na mangunguha lamang sana ng saging, sa Bayog, Zamboanga del Sur.

Kasabay nito, dalawa pa sa kanilang kasamahan ang sugatan sa insidente.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Bayog na magkakamag-anak ang mga biktima na nagtungo sana sa bundok para kumuha ng ibebentang saging.

Ang kikitain sa mabebentang saging ay gagamitin sana ng mga estudyante na pamabayad sa kanilang intramurals sa paaralan.

Sa impormasyon, hindi na umabot pang buhay sa ospital ang mga nasawing biktima na edad 13-anyos at dalawang 16-anyos.

Samantala, ang mga sugatan na edad 15 at 20 ay kailangang sumailalim sa operasyon dahil sa matinding sunog na tinamo ng kanilang katawan dahil sa tama ng kidlat. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here