Home NATIONWIDE Bong Go, hinimok mga lokal na lider na maglingkod nang may pagmamahal...

Bong Go, hinimok mga lokal na lider na maglingkod nang may pagmamahal at katapatan

2
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na magpatuloy sa tapat, taos-puso at malasakit na paglilingkod sa publiko sa ginanap na Outstanding Local Government Unit Awards at Asia Leaders Awards sa Alabang nitong Miyerkules, Nobyembre 25.

Nagsilbi si Go bilang guest speaker sa event at kinilala rin bilang Public Servant of the Year. Kabilang sa mga organizer sina Chairman Robert Laurel Yupangco at Grace Nicolas.

Noong Oktubre 2024, tumanggap din si Go ng Men of Power and Purpose – Public Servant of the Year award.

Ayon sa senador, hindi nakadepende sa mga parangal ang kanyang tungkuling maglingkod sa mga Pilipino.

“With or without an award, my duty is to serve the Filipino people. Sipag, pagmamalasakit, at more serbisyo po ang puwede kong ialay,” aniya.

Nagpasalamat din siya sa mga Pilipinong muling nagtiwala sa kanya para sa ikalawang termino sa Senado at sa pagkakahalal niya bilang nangungunang senador noong 2025.

“Sa lahat po ng mga awardees, sa lahat po ng naririto, magandang araw po sa inyong lahat. At gusto ko lang pong magpasalamat sa ating mga kababayang Pilipino sa pagkakataong muli ‘no na maging senator for my second term, for making me senator again, and for making me number one senator no’ng 2025. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat,” dagdag niya.

Binati rin ni Go ang mga pinarangalan, partikular ang mga lokal na pamahalaang kinilala dahil sa pagsusulong ng mabuting pamamahala, inobasyon, mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng publiko at pag-unlad ng bansa.

“It is an honor as we recognize the outstanding achievements of our local government units in promoting good governance, innovation, responsive public service, and nation-building. Congratulations po sa lahat ng awardees. This recognition is a testament to your hard work, dedication, and commitment to improving the lives of the people you serve,” pahayag niya.

Inilarawan naman ni Go ang mga alkalde at iba pang lokal na opisyal bilang mga frontliner ng serbisyo publiko dahil sila ang unang nilalapitan ng mga mamamayan sa panahon ng emergency at iba pang pagsubok.

“I understand that being a public servant is never an easy task. As local government officials—ito po ‘yung mga mayors natin—you are often the first people our fellow Filipinos turn to in times of need, emergencies, and other challenges. You are the frontliners of public service. You understand firsthand the struggles of ordinary Filipinos and the importance of delivering government services where they are needed most,” aniya.

Hinimok din niya ang mga awardee na patuloy na mahalin ang kanilang tungkulin at gampanan ito nang buong katapatan.

“That is why I consider each of you—kayo po, mga awardees na naririto, ating mga mayors—you are superstars in your own right. We may hold different positions and serve different areas, but we share the same passion and purpose: to serve the Filipino people. At mahalin po natin ang ating trabaho. Bihira po ‘yung pagkakataon na binigay sa atin ng Panginoon na makapagserbisyo sa ating kapwa Pilipino. Kaya gawin na po natin nang buong pagmamahal at buong katapatan ang ating trabaho,” diin niya.

Patuloy namang isinusulong ni Go sa Senado ang mga programa at panukalang batas na maglalapit ng pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga Pilipino, partikular sa larangan ng kalusugan, social welfare at pagpapaunlad ng mga komunidad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here