Home NATIONWIDE Kahandaan sa epekto ni ‘Kristine’ tiniyak ng NIA

Kahandaan sa epekto ni ‘Kristine’ tiniyak ng NIA

108
0

MANILA, Philippines- Tiniyak ng National Irrigation Administration (NIA) nitong Martes ang paghahanda ng ahensya sa posibleng epekto ni Tropical Depression Kristine.

Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas briefing, sinabi ni NIA Administrator Eduardo Guillen na inatasan ang regional offices upang agad na magbigay ng tulong sa mga maaapektuhang magsasaka.

“Of course, ang ating utos ngayon sa regional directors na i-advise iyong mga farmers natin na harvest early,” pahayag niya.

“Iyong mga malalaking dams natin kapag mapupuno na… mag-pre-release sila para kapag may malakas man na ulan, makatulong pa rin,” dagdag ng opisyal.

Ginarantiya ni Guillen ang availability ng P300 milyong quick response fund sakaling kailanganin ng rehabilitasyon o pagkumpuni sa irrigation facilities.

Bukod dito, maaari rin umanong ma-access ng mga magsasaka ang indemnity sa ilalim ng Philippine Crop Insurance Corporation.

Batay sa Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, halos 1.311 milyong ektarya ng standing crops ang maaaring maapektuhan sa Cordillera at Ilocos Regions, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here