MANILA, Philippines – Kakaunti na lamang ang stranded sa Manila North Port ngayong araw, Oktubre 24 ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sa latest report ng PCG ngayong umaga, nasa 150 lamang ang mga pasahero na stranded, 10 vessels at isang rolling cargo lamang.
Ang mababang bilang na ito ay maaaring dahil batid na ng mga pasahero na suspendido o kanselado ang mga byahe ng mga barko kaya hindi na muna tumutuloy sa pantalan.
Wala ring update ang PCG sa ibang lugar na apektado ng bagyong Kristine kung may mga stranded pang mga pasahero.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang monitoring ng PCG sa mga daungan sa buong bansa na apektado ng bagyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden