Sasagupa sa buwan ng Disyembre si Japanese undisputed super-bantamweight world champion Naoya Inoue.
Ayon sa ulat, haharapin ng undefeated Japanese fighter si Australian boxer Sam Goodman sa Tokyo sa darating na Disyembre 25.
Ito na ang pangatlong laban ni Inoue ngayong taon na gaganapin sa Ariake Arena.
Inaasahang ito na rin ang kanyang huling laban sa Japan dahil nakatakda itong sumagupa sa Las Vegas sa susunod na taon.
Hawak ng 31-anyos na si Inoue ang 28 panalo at wala pang talo na mayroong 25 knockouts.
Huli itong lumaban nang talunin si TJ Doheny ng Ireland noong nakaraang buwan.
May record naman ang ang 19-anyos na si Goodman na 19 panalo at wala pang talo na mayroong walong knockouts.
Ito ang pangatlong pagkakataon na idedepensa ni Inoue ang kanyang super-bantamweight title mula ng maging undisputed champion noong Disyembre ng nakaraang taon.
Ayon sa ulat, siya ang pangalawang boksingero na naging undisputed world champion sa dalawang magkaibang weights mula ng magsimula ang four-belt era noong 2004 na ang una ay si Terence Crawford ng US.