Home SPORTS LeBron hinirang na bagong “Hari ng Sablay”

LeBron hinirang na bagong “Hari ng Sablay”

Pumasok si LeBron James sa season opener laban sa Minnesota Timberwolves na nasa bingit ng pagiging all-time leader ng NBA sa mga sablay na shoot, kung saan naiwan ito ng anim sa likod ni Kobe Bryant.

Ngayon, si LeBron na ang may hawak ng record bilang may pinakamaraming sablay na shoot matapos itala ang ika-anim na miss sa laro at all-time miss na 14,884 sa isang transition layup sa ikatlong quarter, isang bucket na minsan ay naging madaling garantiya para kay James sa kanyang kapanahunan.

Si LeBron ay hindi naging No. 1 na opsyon para sa Los Angeles Lakers sa laro laban sa Timberwolves sa unang tatlong quarter.

Siya ay naglagay lamang ng walong puntos sa 4-10 shooting habang ang Lakers ay pumasok sa fourth quarter na may 82-74 abante laban sa Timberwolves.

Sa kabila na naging all-time leading scorer si LeBron sa loob ng  dalawang season at natapatan si Vince Carter bilang may pinakamaraming  season na nilaro sa NBA, pero nakagugulat na  hindi nito nakuha ang record ng mas maaga.

Siya ay naglaro ng mas maraming laro kaysa kay Bryant at nakapuntos ng higit pa, ngunit ang likas na katangian ng kanyang offensive game kumpara sa matigas na istilo ng mid-range ni Kobe ay malamang na naging sanhi ng pagkakaiba.

Kapag marami kang score, marami kang mami-miss, kaya naman ang dalawang pangalan sa listahang ito ay malamang na dalawa sa pinakamahuhusay na scorer sa kasaysayan ng NBA, na parehong nasa top-five sa all-time scoring.

Malamang na magdadagdag si James ng higit pang mga miss sa kanyang tally bago matapos ang kanyang karera, ngunit kung ang kanyang estilo ng offensive game  ay magiging daan para sa mas maraming panalo para sa Lakers, bale wala umano sa kanya ang record.