Home METRO Estudyante binaril habang nakikipagkwentuhan

Estudyante binaril habang nakikipagkwentuhan

102
0

MANILA, Philippines – Isang 17-anyos na lalaki ang binaril habang masayang nakikipagkuwentuhan sa mga barkada sa Barcelona Water tank, Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite

Ginagamot ngayon sa Medical Center Imus and biktima na si Michael, isang Grade 11 ng Barcelona 1, Rverside ng nasabing lugar dahil sa tama ng bala sa katawan.

Inilarawan naman ang suspek na nakasuot ng kulay gray na jacket, naka-jogging pants, naka-bull cap at naka-sling bag.

Ayon sa ginawang imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-10:15 kamakalawa ng gabi nang sumulpot ang suspek sa grupo ng biktima at dito agad na pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek bitbit ang hindi nabatid na kalibre ng baril habang ang biktima ay isinugod sa ospital at kasalukuyang nilalapatan ng lunas. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here