Home NATIONWIDE 2 katao sa Cavite nawawala sa bagyong Kristine

2 katao sa Cavite nawawala sa bagyong Kristine

170
0

MANILA, Philippines – DALAWANG katao ang nawawala at pinaniniwalaang isa rito ay natangay ng baha habang ang isa naman ay hinihinalang nalunod sa kasagsagan ng malakas na paghagupit ng bagyong Kristine sa magkahiwalang na insidente sa lalawigan ng Cavite nitong Huwebes ng hapon, Oktubre 24.

Kinilala ang mga nawawalang biktima na sina Annalyn Gonzales y Mercado, 48, negosyante ng Purok 155, Brgy. Sambong, Tagaytay City, Cavite at Soledad Mojica y Elequillo, 59, isang magsasaka ng #330 Purok-7, Brgy. Taiwanak Ibaba, Alfonso, Cavite.

Sa ulat ng Tagaytay City Disaster Risk Reduction and Management Offfice (CDRRMO), bandang ala-1:00 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente sa Sitio Bitin, Brgy Sambong, Tagaytay City, Cavite kung saan naglalakad papauwi ang magkapatid na Jessie Mercado at Annalyn Gonzales Mercado nang tangayin sila ng pagragasa ng baha sa nasabing lugar dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan dahil sa bagyong.

Natangay umano si Annalyn na kasalukuyan pang pinaghahanap ng awtoridad.

Sa Alfonso, Cavite, papauwi rin ang biktima na si Soledad at mga kamag-anak nito galing sa pag-ani ng saging at habang papatawid sa isang kawayang tulay sa Purok 7 Brgy Taiwanak Ibaba, Alfonso, Cavite bandang ala-1:00 kamakalawa ng hapon nang nadulas umano ang biktima at nahulog sa ilog.

Tinangka umanong tulungan ng mga kasamahan nito subalit hindi nila ito nagawa dahil sa malakas na agos ng tubig mula sa ilog. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here