MANILA, Philippines – Inilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang kumpletong listahan ng mga nominado ng 156 na certified party-list organization para sa 2025 national at local elections (NLE).
Alinsunod ito sa Comelec Resolution No. 11045, na nagsasaad na ang poll body ay maglalagay ng certificates of candidacy (COCs) at Certificate of Nomination and Acceptance (CONAs) ng mga aspirants na naglalaban para sa national at local positions sa kanilang website. Ang listahan ay nai-publish noong Miyerkules, Oktubre 24.
Inilabas ng Comelec ang kumpletong listahan ng nominado ng 156 certified Party-list organizations para sa 2025 national at local elections (NLE).
Nauna rito, sinabi ni Chairperson George Erwin Garcia na magsisimula ang Comelec sa pagtanggap ng mga petisyon para sa pagkansela ng nominasyon laban sa mga party-list nominees limang araw pagkatapos ng paglalathala ng listahan.
Ang poll body noong nakaraang linggo ay nagsagawa sa unang pagkakataon ng electronic raffle ng mga numero upang matukoy ang pagkakasunud-sunod ng listahan ng 156 party-list groups sa mga opisyal na balota para sa Eleksyon 2025.
Maaaring ma-access dito ang huling listahan ng mga party-list nominees para sa Eleksyon 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden