MANILA, Philippines- Bumalik na sa normal ang lebel ng tubig sa Marikina River nitong Biyernes kasunod ng pananalasa ni Tropical Storm Kristine, kung saan labis na naapektuhan ang Luzon sa mga nakalipas na araw.
Hanggang alas-3 ng hapon noong Biyernes, sinabi ng Marikina Public Information Office na ang water level ay 14.7 metro.
Itinaas ang second alarm sa Marikina River mula Huwebes ng gabi nang lumampas ang lebel ng tubig sa 16 meter-mark.
Pagsapit ng Biyernes ng gabi, ibinaba ito sa first alarm nang bumagsak ang water level sa 15 metro. RNT/SA