Home NATIONWIDE ‘Code Blue’ pinairal ng DOH sa 3 lugar na sapul ni ‘Kristine’

‘Code Blue’ pinairal ng DOH sa 3 lugar na sapul ni ‘Kristine’

110
0

MANILA, Philippines- Pinairal na ng Department of Health (DOH) ang “Code Blue” status nito sa tatlong lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Kristine.

Sa isang situation briefing sa Malacañang noong Biyernes, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na itinaas ang status sa Cagayan Valley, Bicol, at Ilocos, habang ang “Code White” ay may bisa sa Metro Manila, Central Luzon, Mimaropa, at Western Visayas.

Itinaas ang Code Blue upang simulan ang koordinasyon sa pagitan ng mga dispatch team, eksperto, at iba pang ahensya ng pagtugon sa emerhensiya.

Nagbibigay dinito ng go-signal para sa pagpaplano ng suporta sa mga apektadong rehiyon sa panahon ng pangmatagalang emergency habang pinairal naman ang Incident Command System ng departamento.

Bahagyang napinsala ng bagyong Kristine ang siyam na ospital, kabilang ang Bicol Medical Center at Bicol Regional Medical Center.

Sinabi ni Herbosa na nananatiling gumagana ang mga ospital na ito sa kabila ng pinsala sa kuryente at suplay ng internet. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here