Home METRO 2 barangay tanod patay sa tambang

2 barangay tanod patay sa tambang

148
0

BASILAN- Duguang bumulagta ang dalawang barangay tanod matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek, iniulat kahapon sa bayan ng Sumisip.

Kinilala ang mga biktimang sina Hasid Dohong Bidalul, 37, ng Brgy. Tongsengal, at Ridzman Asdaman, 42, ng Brgy. Limbocandis, kapwa miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) Sumisip.

Ayon kay Provincial Police Director Col. Cerrazid Umabong, bandang ala-1 ng hapon noong Biyernes naganap ang krimen sa liblib na lugar sa Barangay Tumahubong, ng naturang bayan.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa nang tambangan ng armadong suspek at pinagbabaril saka tumakas.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para sa agaran pagdakip. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here