Manila, Philippines – Sa mga film producers na “hopia” na makakalusot ang isinumite nilang entries sa Metro Manila Film Festival, don’t despair.
Ibanunsyo na nga ng MMDA nitong October 22, Martes ang second and last batch of five official entries sa taunang festival.
Sa bilang ng nasabing ahensya, aabot sa 30 ang pelikulang naka-meet ng itinakdang deadline.
‘Yun nga lang ay lima lang ang kailangang pumasok to complete the Magic 10.
Matatandaang noong July ay inilabas na ng MMDA ang first batch.
Ayon mismo kay MMDA Chairman Don Artes, walang itulak-kabigin ang mga ibang kalahok.
At para naman mabuhayan ng loob ang ibang producer whose films didn’t make it nitong October 22 ay nangakong maipalalabas ang iba roon sa idaraos na Summer Film Festival sa isang taon.
‘Yung iba nga’y naghahanap na ng playdate para sa November.
Samantala, kahit naulinigan umano na hindi pa ganap na finished product ang pelikulang Uninvited ay kabilang ito sa last batch na napili.
Tampok sina Vilma Santos, Aga Muhlach, Nadine Lustre at Tirso Cruz Ill sa nasabing official festival entry.
Wala umanong objection o resistance na narinig sa pagkakapili ng pelikula sa direksyon ni Dan Villegas.
Meanwhile, aninado naman si Chito Roño sa hirap na pinagdaanan sa pagdidirek ng nakapasok ding entry na Espantaho.
A horror movie, tampok dito si Judy Ann Santos.
Originally intended for Vilma Santos, napunta ito kay Lorna Tolentino.
Dahil dusa raw ang inabot ni direk Chito, malamang daw ay huling pelikula na ito na pamamahalaan niya na may ganitong genre.
Sa isang banda, nilinaw ni Bossing Vic Sotto na isang straight family drama ang entry nila ni Piolo Pascual, ang The Kingdom mula sa direksyon ni Mike Tuviera.
Sa madaling salita, malayo ito sa mga nakasanayan na nating comedy flicks ni Bossing. Ronnie Carrasco III