MANILA, Philippines- Nagdesisyon ang ilang local government units na suspendihin ang klase ngayong Lunes upang bigyang-daan ang rehabilitasyong kinakailangan sa mga lugar na labis na apektado ni severe tropical storm Kristine.
Suspendido ang klase sa mga sumusunod na lugar:
San Luis, Batangas (All levels, public at private, modular classes lamang)
Talisay, Batangas (Elementary at High School, public at private, modular classes lamang)
Lemery, Batangas (All levels, hanggang Oct. 31)
Calaca, Batangas (All levels, face-to-face classes hanggang Oct. 31)
Nasugbu, Batangas (All levels, face-to-face classes hanggang Oct. 31)
Noveleta, Cavite (All levels, public, modular classes hanggang Oct. 30)
Binan, Laguna (All levels, public at private). RNT/SA






