MANILA, Philippines- Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 nitong Lunes sa ilang bahagi ng Cagayan, Isabela, at Catanduanes dahil kay Tropical Storm Leon (international name: Kong-Rey), base sa PAGASA.
Pinairal ang TCWS No. 1 nitong alas-5 ng umaga sa:
eastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Santa Teresita, Gonzaga, Peñablanca);
eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Ilagan City, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Palanan, San Mariano, Dinapigue); at
northeastern portion ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga).






