MANILA, Philippines- Maaari pa ring maglinis ng mga puntod sa mga sementeryo sa Maynila hanggang sa Martes.
Ang pagpapalawig ng pamunuan ng Manila North Cemetery ng iskedyul ng paglilinis ay dahil na rin sa ilang araw na pananalasa ni ‘Kristine.’
Ayon sa MNC, marami ang hindi nakapunta sa sementeryo upang maglinis ng puntod ng kanilang mahal sa buhay kaya’t pinalawig ito hanggang bukas Martes, Oktubre 29.
Paalala ng pamunaun ng Manila North Cemetery, ipinagbabawal ang pagdadala ng mga matutulis na bagay, flammable materials, alak, paninigarilyo at vape.
Ang vendors naman na nasa tapat ng gate ng sementeryo ay binigyan ng hanggang bukas ng gabi para lumipat upang hindi makaabala sa ilalagay na tolda, barikada at lamesa para sa misming araw ng Undas.
Mahigpit na pagbabantay ang ginagawa ng MPD, MTPB at Manila DRRMO sa paligid gayundin sa loob ng sementeryo. Jocelyn Tabangcura-Domenden