Home HOME BANNER STORY Dagdag-presyo sa produktong petrolyo gugulong sa Martes

Dagdag-presyo sa produktong petrolyo gugulong sa Martes

137
0

MANILA, Philippines- Sinalubong ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang pagdiriwang ng Undas makaraang magpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa na magiging epektibo bukas.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P0.20 sa kada litro ng gasolina at P0.50 naman sa kada litro ng diesel at kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May dagdag-presyo rin sa nasabing mga produkto sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na magiging epektibo alas-12:01 ngayong madaling araw habang ang kompanyang CleanFuel ay magiging epektibo alas-4:01 bukas ng hapon.

Ang ipatutupad na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JR Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here