Home HOME BANNER STORY Pinsala sa mga eskwelahan sa bagsik ni ‘Kristine’ pumalo sa P3.3B

Pinsala sa mga eskwelahan sa bagsik ni ‘Kristine’ pumalo sa P3.3B

MANILA, Philippines- Umabot na sa P3.3 bilyong halaga ang pinsala ang natamo sa infrastructure para sa 38,000 eskwelahan sa buong bansa dahil sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine.

Base sa partial data ng Department of Education (DepEd) hinggil sa epekto ng bagyong Kristine, aabot sa P2.7 bilyon ang kakailanganin para sa reconstruction ng mga silid-aralan na napinsala ng bagyo, at panibagong P680 milyon para sa major repairs. May kabuuang 2,700 silid-aralan ang nawaask ng bagyong Kristine, habang 1,361 naman ang partial damage.

Mayoon ding 861 eskwelahan ang napaulat na dumanas ng secondary hazards gaya ng pagbaha at landslides.

“All in all, 38,333 schools nationwide had to suspend in-person classes due to Kristine, affecting 19.4 million learners and 786,726 teaching and non-teaching personnel,” ayon sa DepEd.

Sa kasalukuyan, may 1,047 eskwelahan ang ginagamit bilang evacuation centers. Kris Jose