Home METRO Militar na may dalang relief goods hinarang ng NPA

Militar na may dalang relief goods hinarang ng NPA

179
0

ALBAY- Sugatan ang isang sundalo matapos makabakbakan ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos ilang atakihin habang nagdadala ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Kristine, noong Linggo sa lalawigan ito.

Ayon kay Maj. Frank Roldan, tagapagsalita ng Philippine Army 9th Infantry Division (9ID), naganap ang ang bakbakan sa Barangay Matanglad, Pio Duran, Albay.

Bitbit ng tropa ng 49th Infantry Battalion ang mga relief goods nang salakayin sila ng higit sa 10 rebeldeng NPA.

Tumagal ng 15-minuto ang palitan ng putok na ikinasugat sa paa ng isa dahil sa paggamit ng anti-personnel mine, na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng International Humanitarian Law.

Sinabi ni Roldan na nakatanggap din sila ng mga ulat na kumukuha ng relief goods ang mga rebelde sa mga residente, ito ay dahil sa wala na din silang makain sa mga lugar nila dahil sa bagyong Kristine.

Sa pahayag naman ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala, ang “cowardly interference” ay nagpakita ng pagbalewala ng NPA sa kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga kapwa Pilipino na lubhang naapektuhan ng kalamidad.

“Hinihikayat namin ang publiko na iulat ang anumang impormasyon sa mga armadong grupo na nagbabanta sa kapayapaan at seguridad. Makatitiyak ka, ang PA ay nakahanda na lagpasan ang anumang hamon para matiyak ang kaligtasan ng ating mga komunidad at sa pagsuporta sa pagbawi ng mga apektadong komunidad,” ani Dema-ala.

Tiniyak ni Roldan na ipagpapatuloy ng 9ID ang misyon nito na magbigay ng suporta at serbisyo sa mga apektadong komunidad at bilang pagsunod sa utos ng kanilang Commander-in-Chief na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., upang mapadali ang isang “conveyor belt of aid” para sa mga komunidad na dinala ng bagyo. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here