CEBU CITY- Palutang-lutang nang natagpuan ang bangkay ng binatilyong nawawala habang naliligo sa dagat sa kabila ng masamang panahon, iniulat kahapon sa Lapu-Lapu City.
Kinilala ang biktimang si Sean Clinton Pedroza, 15-anyos, ng Sitio Lupa, Barangay Punta Engaño, Lapu-Lapu City.
Sa report ng Lapu-Lapu Disaster Team, natagpuan ang bangkay ng biktima sa noong Biyernes bandang alas-9 ng umaga sa Hilton Port, ng nasabing lungsod.
Sinabi ng mga awtoridad narekober na lamang ng divers ang bangkay ng biktima na nakataob at halos hindi na ito makilala dahil sa ilang araw nitong pagkawala.
Unang naiulat na nawawala si Pedroza noong Oktubre 23, 2024 sa kasagsagan ng bagyong Kristine ay naligo sa dagat at natagpuan ang bangkay nito 500 metro ang layo mula sa naturang lugar kung saan ito lumangoy. Mary Anne Sapico