Home NATIONWIDE P500M halaga ng palay winasak ng bagyo sa Cagayan Valley

P500M halaga ng palay winasak ng bagyo sa Cagayan Valley

171
0

MANILA, Philippines – Nagdulot ng pinsala sa mga palayan sa Cagayan Valley ang Severe Tropical Storm Kristine.

Ayon kay Rose Mary Aquino, regional executive director ng Department of Agriculture, tinatayang P500 milyon ang halaga ng pinsala sa mga palay sa Cagayan Valley.

Hindi na maaaring mapakinabangan ang mga tanim na palay dahil maraming mga palayan ang nalubog sa baha.

Nasa kabuuang 96,000 ektarya ng mature rice plants ang labis na napinsala, habang 40 percent ang nasa reproductive stage.

Pinaka-napuruhan ang Isabela sa P498 milyong halaga ng crop damage.

Sumunod ang Quirino sa P3 million sa crop losses, habang pending pa ang final damage report ng Cagayan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here